Eroplano ng Cathay Pacific lumiyab sa ere

LUMIYAB ang Cathay Pacific Airbus A330-300 habang nasa ere dahilan para magsagawa ng emergency landing sa Singapore kanina.

Nabatid na ang flight CX715 ay nag-landing sa Singapore dakong 1:12 a.m. patungo sana ng Jakarta, makaraang lumiyab ito.

Inaalam na kung ano ang pinagmulan ng sunog, habang wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Lumalabas na ito na ang ikalawang pagkakataon sa loob ng anim na buwan na nag-emergency landing ang isang eroplano sa Singapore dahil sa engine problems.

Una nang nag-landing ang Qantas A380 nang magkaroon ng problema sa Rolls-Royce Trent 900 engine nito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply