Eroplano sa NAIA tinamaan ng kidlat, 9 sugatan

SUGATAN ang siyam na katao makaraang tamaan ng kidlat ang eroplanong nakahimpil sa National Aquino International Airport (NAIA) Terminal II.

Nabatid na isinugod sa ospital ang mga biktima na pawang mga empleado ng NAIA.

Ayon mismo kay Jonathan Gesmundo, corporate communications officer ng Philippine Airlines (PAL), bandang 7:00 ng gabi ng Mayo 7 nang tamaan ng kidlat ang eroplano sa kasagsagan ng ulan.

Tumama ang kidlat sa katawan ng eroplano at gumapang ang malakas na boltahe ng kuryente kung saan inabutan ang mga empleado na nagpapatila ng ulan.

Tiniyak naman ng pamunuan ng NAIA na hindi nila pababayaan ang mga naapektuhang tauhan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply