Eroplanong magbabalik sa Maynila kay Espinosa nagkaaberya

NAGKAABERYA ang eroplanong magdadala sana pabalik sa Maynila kay Daniel Espinosa, ang bus driver na nakapatay  sa veteran journalist na si Lourdes Chit Estella Simbulan sa isang aksidente sa Commonwealth, Quezon City mula Davao City.

Sa report, nagkaroon ng engine trouble sa eroplano ng PAL na sasakyan sana ni Espinosa pabalik ng Maynila.

Gayunman, nakatakda namang ilipat si Espinosa sa PAL flight 812 mamayang 6 ng gabi na nakatakdang lumapag naman sa NAIA 11 ng gabi.

Si Espinosa ay sumuko kagabi kay Davao City Vice Mayor Rodrigo Duterte na umaming nakauwi ng Davao sa pamamagitan ng pagsakay sa bus matapos ang aksidente.

Si Espinosa ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

 

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply