Espanyol, binurdahan ng saksak sa Pasay hotel

AGAW-BUHAY ngayon ang isang Spanish doctor makaraang burdahan ng saksak ng isang ‘di pa kilalang suspek sa loob ng inokupahang hotel sa Pasay City.

Bunga ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan, nilalapatan ng lunas sa San Juan de Dios Hospital ang biktiminag si Beatriz Pereiro, 30, dalaga, nanunuluyan sa Green View Hotel, Aurora Ext., Pasay City.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Rodolfo Suquiña, Jr., ng Station Investigation & Detective Management Section (SIDMS), ang insidente ay naganap dakong-1:45 a.m. sa loob ng naturang hotel.

Bago naganap ang madugong insidente, ang biktima ay naging pasahero ng Partas bus mula sa Clark Airport, Pampanga na dumating sa Pasay City dakong 6:45 p.m., Miyerkoles.

Naghahanap ng pansamantalang matutuluyan ang doktora at tinulungan ito ng isang bus conductor na si Aristotle Axibal na umupa ng isang kuwarto sa Green View hotel.

Nang makakuha ng silid na uupahan ng biktima, iniwan na ito ng konduktor para linisin ang kanyang minamanehong bus.

Bandang alas-siyete ng gabi, umalis ang biktima sa hotel at nagbalik naman ang bus conductor para alamin ang kalagayan ng biktima pero hindi nito natunton ang doktora sa inalok na silid na Rm. 211.

Nagbalik si Axibal sa hotel at nakasalubong nito ang isang lalaki na nakasuot ng uniporme ng security guard, nasa 5’6” ang taas, mataba at pinaki-usapan ang lalaki na pansamantalang istorbohin ang biktima para maka-usap.

Nakita umano ng roomboy na si Rannie Bucio ang pagbabalik ng biktima sa kanyang inokupahang silid dakong alas-nuwebe ng gabi.

Bandang 1:45 a.m., habang ang dalawang room boy na sina Jerryl Rosende, ang security guard na si Michael Go at Bucio ay nasa lobby ng hotel nang narinig nila ang biktima na pumapalahaw at humihingi ng tulong.

Nakita ng dalawang roomboy at security guard ang biktima as ikatlong palapag na naka-upo sa sahig na duguan kaya dinala ang biktima sa pagamutan.

Maliban sa lalaking nakasuot ng uniporme ang nakita sa lugar na pinangyarihan, inaalam pa ng awtoridad kung sino ang may kagagawan ng tangkang pagpatay sa biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply