Evacuees, stranded sa Bicol dumadami pa

DAHIL sa pananalasa ng bagyong Bebeng patuloy na nadaragdan ang mga stranded na pasahero mula sa Albay.

Tinatayang umaabot na sa mahigit 500 pamilya ang inilikas mula sa lalawigan ng Albay dahil sa bagyong Bebeng na pinangangambahang lalo pang lumakas ang buhos ng ulan at hagupit ng hangin sa naturang lugar.

Inaasahan naman na sa mga susunod na oras ay madadagdagan pa ang nasabing bilang na inililikas na pamilya dahil sa patuloy na pag-ulan.

Samantala, sa huling monitoring ng Philippine Coast Guard-Bicol, naitala na ang halos 3,153 mga stranded passengers sa mga pantalan sa buong rehiyon.

Ayon sa pahayag ni Regional Director Raffy Alejandro, na nananatiling nakaalerto ang tropa ng militar at maging ang DPWH para sa clearing operations lalo na sa lalawigan ng Catanduanes kung saan nag-landfall si Bebeng.

Sa lalawigan naman ng Sorsogon, patuloy ang preemptive evacuation ng lokal na pamahalaan lalo na sa mga bayan na nasa dalisdis ng bulkang Bulusan dahil na rin sa pangambang pagragasa ng lahar mula sa mga river channel sa lalawigan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply