Dating vice mayor arestado sa estafa

MAKARAAN ang apat-na-taong pagtatago, nadakip ng mga awtoridad ang dating bise alkalde ng bayan ng Asingan kaugnay sa kinasasangkutang syndicated estafa sa Dagupan city.

Ayon sa report ni Dagupan City Police chief Supt. Romeo Caramat, ang suspek na si Mila Antonio ay ikinukonsidera nilang isa sa “most wanted person” sa  Ilocos Region.

Iniulat ng pulisya na si Antonio ay nasakote ng intelligence division ng Dagupan City Police habang nakikisaya sa ginaganap na selebrasyon ng “Kalutan ed Dalan,” isang aktibidad kaugnay sa Bangus Festival sa lungsod.

Ang nabiktima ni Antonio ay agad na sumugod sa himpilan ng pulisya nang mabalitaang nahuli na ang lomoko sa kanya ng milyun-milyong piso.

Si Antonio ay nasa ilalim na ngayon ng kostudiya ng Urdaneta City Bureau of Jail Management and Penology at sumasailalim na sa interogasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply