Ex-chief justice ng SC, Ombudsman nominee

KASAMA sa mga nominado sa Judicial and Bar Council (JBC) bilang posibleng pumalit kay Ombudsman Merceditas Gutierrezsi si dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno.

Si Puno ay inirekomenda sa JBC ng isang Suzette Curioso-Pangan ng Station Church Site.

Batay sa inisyal na listahan ng JBC, ang dating Punong Mahistrado ay pang-14 sa 18 nominadong sinumite ngayon sa JBC.

Habang sinusulat ang balitang ito, itinanggi na ni Puno na interesado siya sa nominasyon.

Bukod kay Puno, irerekomenda rin ni dating Chief Justice Artemio Panganiban si dating Associate Justice Conchita Carpio-Morales.

Samantala, umugong ang balitang inalok na ni President Benigno Simeon Aquino III ang puwestong Ombudsman kay Morales.

Ayon sa source, nagkita minsan sina Pangulong Aquino, Morales at Panganiban. Dito ay mismong si Pangulong Aquino umano ang nagtanong kay Morales kung ibig nitong maging Ombudsman.

Sumagot umano si Morales sa papayag siya kung ie-endorso siya ni Panganiban. Teresa Tavares

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply