Ex-DOH chiefs didikdikin sa P2.6-B scam – Sotto

TINIYAK ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III ngayon, Huwebes, na madidikdik ang lahat ng nakaraang kalihim ng Department of Health (DOH) mula taong 2008 hanggang 2010 upang matukoy kung saan napunta ang P2.6 bilyong pondo para sa family health program ng kagawaran.

Sa ipinalabas na pahayag, nagpasalamat din si Sotto kay kasalukuyang Health Secretary Enrique Ona sa isinagawang kumpirmasyon na naipalabas ng DOH ang naturang pondo sa mga regional office ngunit hindi natanggap ng local government units (LGUs).

“I would like to thank Secretary Ona for confirming that they have, indeed, released the money intended for family health programs. His statement has bolstered our urgent call for a probe on the use or possible misuse of DOH’s Family Health Program fund,” ayon kay Sotto.

Sinabi ni Sotto na lumilinaw ang paratang nito na naipalabas ng DOH ang pondo ngunit marami siyang natatanggap na sertipikasyon mula sa iba’t ibang LGUs na nagsasabing hindi natanggap ang pondong inilaan para sa family health program.

“What is clear right now is that money has been released by the DOH. But we have here several certifications from different local government units that no funds have been funneled to them. If money has been released and the intended end user (LGUs) is saying they did not receive it, we have here a case of missing or disappearing fund at the very least,” giit ni Sotto.

Sinabi pa ni Sotto na hindi dapat magalit sa kanya ang ilang naging kalihim ng DOH dahil ginagampanan lamang nito ang kanyang tungkulin bilang mambabatas na imbestigahan ang iregularidad at kuwestiyonableng paggamit ng pondo ng pamahalaan.

“These are taxpayers’ money and we are duty-bound to ensure that these are properly used and accounted for,” aniya.

Aniya, sakaling maaprubahan ng plenaryo kung anong komite ang mangunguna sa imbestigasyon, tiyak na matutukoy kung saan napunta ang pondo at gusto din ng ilang senador na hukayin nang mas malalim ang naturang anomalya.

“Someone should be able to explain the gaps. We cannot just accept the explanation of both sides at face value. Clearly, there are contradictory positions. Someone could be telling half-truths or half-lies. This we will soon find out,” pagtatapos ni  Sotto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply