Ex-minister ng Nepal dedo sa Mt. Everest

NAMATAY si dating Nepalese Foreign Minister Shailendra Kumar Upadhyaya sa Camp 1 pa lamang ng Mt. Everest matapos tangkain nitong akyatin ang pinakamataas na bundok sa buong mundo.

Gusto umano ipakita sa mundo ng dating minister na kayang akyatin ang naturang bundok ng mga matatanda na. Ninanais din umano ni Upadhyaya na magtala ng bagong record na pinakamatandang tao na nakaakyat sa bundong.

Ilang buhay na rin ang kinitil ng Mt. Everest dahil sa matarik ito at lubhang napakamapanganib. Ayon sa mga nakaakyat ng mga Pinoy ay tila mauubusan ka ng oxygen papunta sa itaas.

“The former minister died at around 4:00 p.m. Monday,” ayon sa isang government official na si Tilak Pandey.

Itong buwan ng Mayo ang pinakamagandang akyatin ang bundok dahil maganda ang panahon sa lugar. Ngayong taon ay tinatayang kalahating dosena palang ang nakakaakyat sa tuktok ng bundok.

Kahit nalaman ng ibang mga mountain climber at adventurist ang nangyari ay hindi nagdalawang isip ang mga ito na pumanik sa Mt. Everest.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply