Ex-NBA player natagpuang patay

NATAGPUANG wala ng buhay ang dating National Basketball Player na si Robert “Gentle Giant” Traylor sa kanyang kuwarto sa tinutuluyang apartment sa San Juan, Puerto Rico.

Ang 34-taong gulang na si Traylor ay hinihinalang inatake sa puso. Kasalukuyang naglalaro sa Traylor sa Bayamon Cowboys sa Puerto Rico..

“He was a leader of the team. He was very, very friendly. He got along very well with everyone. The fans loved him, idolized him,”  ayon kay Jose Carlos Perez, manager ng Cowboys.

Ayon sa kuwento ni Perez, nag-uusap sa telepono si “Gentle Giant” at ang asawa nito na nasa Chicago nang biglang naputol at hindi na ito sumagot. Tumawag umano kaagad ang asawa nito sa team management para alamin kung ano ang nagyari sa ex-NBA player.

Nakilala si Traylor sa pagtulong niya sa Michigan State University para sungkitin ang titulo ng Big 10 taong 1997. Napasok siya sa NBA taong 1998 at naglaro sa Milwaukee, Cleveland, Charlotte at New Orleans.

“The entire Milwaukee Bucks organization is saddened by the news of Robert Traylor’s death. Robert was a fierce competitor on the court who helped the Bucks reach the playoffs in each of his two seasons in Milwaukee,” ayon sa statement na pinalabas ng Bucks.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply