Ex-SSS president, 3 gold trader kinasuhan sa DOJ

SASAMPAHAN ng Department of Justice (DOJ) sa Court of Tax Appeals (CTA) ng tax evasion si dating SSS President Romulo Neri.

Ito ang inihayag ni Justice Usec. Francisco Baraan sa ginanap na pulong balitaan kahapon.

Ayon kay Baraan, nakakita ang DOJ ng probable cause upang isulong ang kaso laban kay Neri.

Ayon kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares, aabot sa mahigit P15 milyon ang tax deficiency ni Neri bunsod ng hindi nito pagdedeklara ng mga kinita.

Ilang halimbawa na rito ay ang alllowances at bonus sa panunungkulan nito bilang board member ng Philex Mining Corporation at Unionbank of the Philippines noong 2008 at 2009.

Sinabi ni Baraan na isinailalim sa masusing imbestigasyon ang isinampang kaso ng BIR laban kay Neri.

Samantala, naghain muli ng kasong kriminal sa DOJ ang BIR laban sa 3 gold trader bunsod ng bilyong pisong tax evasion.

Kabilang sa mga kinasuhan ay sina Aurelio Baring dahil sa hindi pagbabayad ng buwis na nagkakahalaga ng P2.22 bilyon sa loob ng limang taon.

Nabatid ng BIR na hindi rin rehistrado si Baring sa ahensya at sa Department of Trade and Industry (DTI).

Inireklamo rin sa DOJ ang gold at silver trader na si Rex Chua Co Ho dahil sa naman sa P3.1 bilyon na tax evasion at ang pawnshop owner na si Remegio Descalsota dahil sa hindi tamang pagbabayad ng buwis na aabot naman ng P593 milyon.

Ang tatlong kinasuhan ay kabilang sa listahan na isinumite sa BIR ng Bangko Sentral ng Pilipinas na may gold transaction sa kanila.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply