Exchange students ginagawang drug mules

KABILANG sa tinututukan ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga exchange students na nasa bansa na sinasanay umano ng drug syndicate na maging drug mules.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ay malaki ang kanyang paniniwala na ganito aniya ang naging kaso ng dalawang miyembro ng African Drug Syndicate (ADS) na kinilalang sina Samuel Egbo, isang Nigerian, at Korean girlfriend nitong si Yunji Choi na umanoy drug courier.

Ang dalawa ay nadakip matapos mahulihan ng kalahating kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng P2.5 milyon ng isang undercover agent ng PDEA .

Umamin din aniya si Choi, isang estudyante, na nakilala niya si Egbo sa isang unibersidad sa Maynila noong isang taon hanggang sa magkarelasyon aniya sila.

Napag-alaman na si Choi ay labas masok sa bansa batay na rin sa mga nakitang entry at exit stamps sa kanyang pasaporte.

Sinabi pa ni Gutierrez  na karamihan aniya sa nire recruit ng big-time drug syndicates ay mga Asians at kadalasan aniya ay mga estudyante galing Korea na ginagawa nilang drug couriers dahil medyo mahiyain at wala pa silang mga karanasan.

Sinabi ng PDEA na patuloy ang kanilang kampanya laban sa sindikato na nagre-recruit ng mga drug couriers at mailigtas ang mga ito sa kapahamakan mula sa kamay ng mga organisadong international drug syndicates. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply