Fake daw ang ilong ni Kim Chiu

BAKIT kaya ang ilong naman ni Kim Chiu ang napagdidiskitahan ng iba?

“Gawa lang daw itong ilong ko, pero hindi naman talaga, kahit silipin ninyo pa ang mga sides,” sabi ni Kim.

“Hindi naman talaga dapat pisikal lang ang kagandahan. Kasi sa akin, kapag mabait ka, maganda ka na, kapag may tiwala ka sa sarili mo na maganda ka, maganda ka na talaga. Hindi naman kailangang baguhin ang pagkatao,” esplika pa ng star ng “Binondo Girl” ng ABS CBN.

Samantala, finale number pala ang orig na “Shirley Bassey of the Philippines” na si Willy Jones sa concert na inorganize ng actor-singer na si Jay-Ar Rosales on May 15 Sun. billed “Broadway Decon Jejemon Blankatape” sa oldest comedy bar ng bansa, ang Music Box sa Timog na pag-aari ni Daddy Wowee         sa suporta ng resident stand-up artist na si Danjosh.

Si Willy Jones ay regular performer ng Zirkoh, Morato at on record ay siya lang ang tanging na-profile at na-broadcast worldwide ng CNN dahil sa kanyang pagiging boses- Shirley Bassey ng bansa.

Si Blanktape ay pahiram lang ng pamosong talent manager na si Lito de Guzman para sa fundraising ng mga na-eject na mga batang musmos dala ng road widening project ng gobyerno sa Old Balara, Tandang Sora, Q.C. represented by the President ng Unang Hakbang Tungo Sa Bagong Milenyo na si Ms. Hariet Caindoy in cooperation with Balintataw Film & Theater Arts and UNESCO- Philippine Center for International Theater Institute.

Kasama sa naturang concert ay mga upcoming at veteran names in the music and movie industry tulad nila Bimbo Martin, Jay-Ar Rosales, Zyruz Imperial (bida ng “Seksing Masahista” opposite Mocha Uson), Tom Paris (bida ng “Untamed Virgins”), ang beteranang okama na si Alfie “Melon”Moreno, kasama sina Myra Andaya, PJ Gonzales, Mimi Shimada, Kristille Atinen, Michael Gutana, Dianne, Jona Lumbera, Darizel Zapeco, and Nozomi Moriwake.

Ang naturang concert ay sinuportahan ng manager ng pamosong Singing Soldiers na si Col. Alfredo Nolasco and proprietor of the famous tourist destination Hannah’s Beach Resort in Pagudpud,  Ilocos Norte Col Ricardo L. Nolasco who is also the President of  AMWSLAI. Nonie V. Nicasio

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply