Fake visas pinalusot ng immigration

KINUMPIRMA kahapon ng Department of Foreign Affairs na peke ang ginamit na Philippine visa ng dalawang Indian nationals na nakapasok sa Pilipinas noong Abril 21, 2011.

Sa mensaheng ipinadala sa pahayagang Remate, sinabi ni DFA Assistant Secretary Ed Malaya na hindi nanggaling sa embahada ng Pilipinas sa India ang hawak na travel document nina Shinder Pal Kaur, 27 anyos at Jaspal, 34 anyos.

Matatandaang nagkaroon ng kaguluhan sa NAIA Terminal III nang dumating ang dalawang Indian national makaraang magpalabas ng magkataliwas na utos ang tanggapan ni BI Comm. Ricardo David Jr.

Base sa impormasyong nakalap ng Remate, isang Atty. Anthony Bautista umano ng commissioner’s office ang nagbigay ng kautusang papasukin ng bansa ang dalawa samantalang “exclusion” o “ibalik ang dalawa sa pinanggalingan” ang naging kautusan naman ni ret. Gen. Lino Calingasan na Chief of Staff ni Commissioner David.

Kaugnay nito, sinabi ni Assec. Malaya na ipinaalam na sa tanggapan ni Immigration Commissioner Ricardo A. David Jr. na hindi galing sa embahada ng Pilipinas ang visa ng dalawang dayuhan.

“The DFA informed the BI in a letter dated 3 May that per report from the Philippine Embassy in New Delhi, Philippine visa # ND-MRRV-85141-2011 dated 1 March 2011  and Philippine visa # ND-MRRV-97991-2011 dated 15 March 2011, were not issued by said embassy and are of spurious origin,” pahayag pa ni Malaya.

Ibinigay umano ang Philippine visa 85141 kay Shinder Kau Pal habang kay Jaspar naman ang Philippine visa 97991 na parehong pirmado umano ni Consul-General Ma. Agnes Cervantes.

Ginawa ni Malaya ang pahayag makaraang ilathala kahapon ng pahayagang Remate na lantaran na umano ang human smuggling sa Ninoy Aquino International Airport.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply