FDA bigyan ng pangil vs food, drug manufacturers

NAGSULONG ngayon, Lunes, ng isang panukala si AGHAM Rep. Angelo Palmones para mabigyan ng karagdagang police powers ang Food and Drugs Administration (FDA).

Kasunod na rin ito ng pag-amin ng FDA na hindi nila maaaring papanagutin ang Nestle Philippines kahit pa nagkaroon ng kapalpakan nang payagang makalabas sa merkado ang mga noodles na kontaminado ng salmonella bacteria.

Sinabi ni Palmones na sa ilalim ng kaniyang House Bill 3972 o ang Food Safety Act, mabibigyan ng sapat na kapangyarihan ang FDA para protektahan ang mga consumers.

Pero hindi pa malinaw sa panukala ang mga ipapataw na parusa sa mga lalabag dahil nakikipag-ugnayan pa raw ang kongresista sa FDA para malaman ang mga kakulangan ng ahenya, lalo na sa pagbabantay sa mga food at drug manufacturers sa buong bansa.

Ikinukunsidera na ring imbestigahan ng food and drugs administration ng department of health ang mga manufactured processed foods matapos pumutok ang salmonella bacteria sa isang produkto ng noodles.

Samantala, sinabi ni Suzette Lazo, director ng DOH-FDA na binabantayan na rin nila ang lahat ng mga manufactured processed foods at mga canned goods.

Paliwanag ni Lazo, “prone” din sa salmonella ang lahat ng mga processed foods lalo na kapag hindi maayos na ginawa.

Kinumpirma rin ni Lazo na sa 912 na mga karton ng maggi noodles na kontaminado, 660 na dito ang nabawi na habang ang 118 na naipagbili na ay target ngayon ng monitoring ng FDA.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply