Fighting Maroons babangga sa EAC Generals

KASUNOD ng isang malaking panalo kontra sa Jose Rizal University Heavy Bombers, 86-71, tatangkain ng University of the Philippines Fighting Maroons na umangat sa 3-2 win-loss card sa pagsagupa sa Emilio Aguinaldo College Generals (1-3) ngayong hapon sa FilOil Flying V Arena sa pagpapatuloy ng mga laro sa FilOil Fliying V Hanes preseason cup.

Umaasa si Maroons Coach Ricky Dandan na magbibigay ng magandang laro sina Mike Silungan, Mike Gamboa at ang Nigerian center na si Alinko Mbab para masungkit ang solo-third position sa Group B.

Tatangkain naman ng San Juan de Letran College Knights na masundan ang 87-76 na pagpapataob sa Saint Benilde Blazers sa pagharap nila sa Mapua Cardinals (1-1) sa main game.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply