Final 4 ng Shakey’s V-League magpapaluan na

MAGSISIMULA NA mamayang hapon, Huwebes Mayo 6, ang bakbakan sa Shakey’s V-League first Conference semis sa paghaharap ng University of Saint La Salle-Bacolod laban sa Adamson Lady Falcons at pinakahihintay na banggaan ng top-rated na Ateneo Lady Eagles at ng surprise semifinalist na National University Lady Bulldogs sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Ang mga dating manlalaro ng Lady Falcons ang isasabak ni Coach Dulce Pante habang ang Lady Slingers ay paparadahan ng mga bagong guest players na sina Aiza Maizo at Jovelyn Gonzaga.

Si Gonzaga ay hahalili kay Jaydee Hair na magbabalik sa Estados Unidos para dumalo sa graduation rites niya, samantalang si Lady Tiger Maizo ang makapapalit kay libero Rebbie Delontindo na magtutungo sa Zamboanga Del Norte para obserbahan ang mga lalarong volleyball teams na makakalaban ng kanyang high school athletes sa Palarong Pambansa.

Mangunguna sa team ni Coach Pante sina Nene Bautista, Michelle Laborte, Angela Benting, Pau Soriano at Jampong Quinlog na makababangga nina Pat Orendain, Kay Apraska at April Hinggit.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply