Fish kill sa Batangas walang kinalaman ang bulkang Taal

PINABULAANAN ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang balitang may koneksyon ang pagiging aktibo ng bulkang Taal sa nangyaring fish kill sa Batangas.

Batay sa pahayag ni Esmeralda Manalang, OIC regional director ng BFAR CALABARZON, walang nagsasabi na ang fish kill ay may kinalaman sa pag-aktibo ng Taal.

Nabatid pa kay Manalang, na isa sa tinitingnang dahilan kung bakit nagkaroon ng fish kill ay ang biglaang pag-iba ng temparatura ng tubig kung saan nagkaroon umano ng mahabang summer season at nang biglang umulan ay naghalo ang mainit at malamig na tubig.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply