Fish kill sa Taal tatagal ng isang buwan–BFAR

TATAGAL pa ng halos isang buwan bago malutas ang ‘fish kill’ sa Taal lake sa Batangas province, ayon kahapon sa opisyal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Sinabi ni BFAR Region IV-A officer-in-charge Director Esmeralda Manalang na aabutin ng isang buwan bago malutas ang problemang ito as long as mag-cooperate ang weather.

Sinabi rin ni Manalang na naapektuhan na ng fish kill ang may 752 metric tons ng isda kabilang ang tilapia at bangus na ang halaga ay mahigit sa P57 milyon.

Kabilang aniya sa mga naapektuhang lugar ay ang Talisay, Agoncillo, Laurel, at San Nicolas sa Batangas.

Sinabi rin ni Manalang na hindi inaalis ng BFAR ang posibilidad na magkaroon ng isa pang fish kill kapag ang panahon o ang tubig sa lawa o lake water ay hindi gumanda sa lalong madaling panahon.

Upang makabawi agad, sinabi ni Manalang na nakakasa ang BFAR na magbigay ng ‘fingerlings’ sa mga naapektuhang mangingisda.

Bibisitahin aniya ng BFAR ang mga naapektuhang lugar upang malaman ang tunay na sitwasyon.

“Ang aming palagay 30 percent ang natitira, pwede pang isalba … The BFAR is in the process of assessing the entire (area), estimate pa lang ang binibigay namin. Mahirap magbigay ng accurate figures ,” pahayag pa nito.

Sinabi rin ni Manalang na ang isda sa mga naapektuhang lugar ay puwede pang kainin kung ito ay naghihingalo pa lamang.

“Kung naghihingalo pwede pang kainin. Huwag lang ang namatay kasi pag namatay may bacteria na, unsafe na,” dagdag pa nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply