Fishkill walang koneksyon sa bulkang Taal

NILINAW ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na walang koneksiyon sa pag-aalburoto ng bulkang Taal ang fish kill sa Batangas.

Sinabi ng BFAR CALABARZON, na walang nagsasabi na ang fish kill ay may kinamalan sa pag-aktibo ng Taal.

Isa umano sa dahilan nito ay ang biglaang pag-iba ng temparatura ng tubig kung saan nagkaroon umano ng mahabang summer season at nang biglang umulan ay naghalo ang mainit at malamig na tubig kaya nagkulang sa oxygen ang mga isda.

Una rito, ipinaliwanag din ng ahensiya na hindi lason ang ikinamatay ng mga isda sa kanilang area.

Unang napaulat na mahigit 375 tonelada ng bangus at tilapia ang namatay mula sa mga palaisdaan sa palibot ng Taal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply