Flood control mgmt ipinababalik sa DPWH

NANINIWALA ang ilan sa mga mambabatas mula sa Metro Manila na mas may kakayahan ang Department of  Public Works and Highways (DPWH) sa pangangasiwa ng pagkontrol sa baha kaysa sa Metro Manila Development Authority (MMDA).

Iginiit ng mga solon na hindi epektibo ang pangangasiwa sa flood control lalo na sa panahon ng  tag-ulan ang  MMDA.

“We believe that as far as flood control is concerned, DPWH has the engineering know how and the expertise,” ayon kay Valenzuela Representative Magtanggol Gunigundo.

Sinabi ni Gunigundo na ipinarating na ang bagay na ito  ng  Metro Manila lawmakers sa ginanap na meeting kay DPWH Secretary Rogelio Singson sa House of Representatives.

Maging sina Quezon City Representative Winston Castelo at Marikina Representative Romero Federico Quimbo ay naniniwalang  may kakakayahan ang DPWH  sa mas mabilis na implementasyon dahil mas kapado nila ang nasabing trabaho, bukod pa sa sila ang nagdisenyo ng engineering plan sa bawat lungsod.

Ayon pa kay Gunigundo, dapat ay agad desisyunan ng Malacañang ang pagbibigay ng flood control management sa DPWH lalo na nitong tag-ulan.

Dating  nasa  DPWH  ang  flood  control  management at inilipat  sa  MMDA noong 2007 ni dating  Presidente Gloria Macapagal-Arroyo na may nakalaang P101 milyong budget.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply