FOI bill unahin kaysa RH bill —Trillanes

NAKAKUHA ng kakampi sa Senado ang simbahang katoliko makaraang hilingin ni Senador Antonio Trillanes kay Pangulong Noynoy Aquino na iprayoridad ang pag-apruba sa Freedon of Information bill kaysa sa kontrobersyal na Reproductive Health bill.

Ayon kay Trillanes, mas dapat na pagkaabalahan ng mga kongresista ang FOI bill na mas malaki ang maitutulong sa pagsugpo ng korapsyon sa pamahalaan.

Ani Trillanes, bilang bahagi ng kampanya ni PNoy ay iginiit nito na dapat tuparin ang paglaban sa katiwalian sa burukrasya sa pag-atas sa Kongreso na gawing prayoridad ang FOI bill.

Naniniwala si Trillanes na inililigaw lang ng Malakanyang at Kongreso ang taumbayan sa mas mahalagang krusada laban sa korapsyon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply