Food products galing Taiwan tinututukan ng FDA

MAHIGPIT na mino-monitor ng Food and Drugs Administration (FDA) ang mga food products na mula sa bansang Taiwan.

Ito’y kasunod ng ulat na posibleng kontaminado ang mga ito ng Di (2-ethylhexyl) phthalate (DEHP), isang sangkap na may masamang epekto sa kalusugan ng tao.

Batay sa ulat, lumilitaw na iligal umanong inilagay ang naturang sangkap na DEHP sa mga food products sa Taiwan upang mabago ang ‘emulsification’ nito.

“FDA is currently monitoring high-risk products from Taiwan (sports drinks, fruit juices and soft drinks) to ensure that they are safe for customers,” nakasaad sa Advisory 2011-006 na ipinalabas ni FDA head Suzette Lazo.

Aniya, ang DEHP ay ginagamit bilang “plasticizer” sa paggawa ng mga articles tulad ng medical devices, intravenous bags at tubing, blood bags at infusion tubings at nasogastric tubes.

Bagamat ligtas naman ang mababang doses ng DEHP, ang mataas na doses nito at mahabang exposure dito ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa kalusugan.

“Children are especially prone to the harmful effects of high doses of DEHP or to repeated exposure, which can lead to testicular effects, fertility problems and toxicity to kidneys,” paliwanag pa ni Lazo.

Ayon pa kay Lazo, ipinabatid na rin umano ng Taiwan sa Department of Health (DOH) na posibleng nakapasok na sa Pilipinas ang naturang mga produkto at inangkat ito ng isang kumpanya sa bansa.

Tiniyak naman ni Lazo na tinutunton na nila ang local counterpart ng naturang kumpanya.

Nauna rito, iniulat na may 167 food ingredient suppliers ang nahaharap sa recall dahil sa toxic contamination ng DEHP.

Sinabi umano ni Hsu Ming-neng, deputy director-general ng FDA, natukoy na rin ang DEHP sa mga produkto ng may 47 local manufacturers ng food and drinks, na gumamit ng mga sangkap na lingid sa kanilang kaalaman ay may taglay palang DEHP.  Ipinababawi naman na umano ang mga naturang sangkap.

Hinimok na rin ni Hsu ang iba pang manufacturers na ipasuri ang kanilang mga produkto upang matiyak na ligtas ang mga ito.

Sinasabing natuklasan ang DEHP sa emulsifier na ginagamit sa fruit jelly, yogurt mix powder, juices at iba pang inumin.

Ang tainted emulsifier products ay posibleng gawa umao ngYu Sheng Chemical Co. o mula sa intermediaries na isinusuplay ng kumpaniya.

Ipinaalam na rin umano ng food ingredient exporter na Poss-mei Corp. ang mga kliyente nito sa mahigit 20 bansa na itigil ang pagbebenta ng nga concentrated juice products nila hanggat hindi pa lumalabas ang resulta ng pagsusuri sa mga ito. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply