Force evacuation sa bulkang Bulusan handa na

HANDA na ang Office of Civil Defense (OCD-Bicol) at Philippine Army sa isasagawang force evacuation sa mga residente na maaapektuhan sakaling mag-aluburuto ang bulkang Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon.

Matatandaang inihayag ng OCD Bicol Regional Director Bernardo “Raffy” Alejandro na nakahanda ang kanilang ahensya sa paglikas ng mga pamilya kung sakali.

Kaugnay nito, inihayag naman ng Philippine Army na laging nakahanda ang kanilang Army trucks na gagamitin sa paglilikas ng mga pamilya sa dalawang bayan na posibleng maapektuhan ng patuloy na abnormalidad ng bulkan.

Naiulat na bumuga na ng abo ang Bulusan nitong Mayo 13 kung saan binalot ng abo ang ilang barangay sa mga bayan ng Irosin at Juban, Sorsogon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply