Four-way tie sa PBA D-League Group B babasagin

KAKALAS sa four-way tie sa Group B ng PBA D-League Foundation Cup sa San Juan Gym ang nakatakdang salpukan ngayong hapon sa pagitan ng FCA Cultivators at ng Cobra Energy Drink.

Ang Ironmen at ang Cultivators ay kapantay ng Cebuana Lhuillier Gems at ng Max! Bond Sumos na pawang tangan ang 3-1 slate ay magsasagupa alas-kuwatro mamayang hapon para makuha ang panguna sa Group B.

Bahagyang nakalalamang ang Cobra kasunod ng suspensiyon ni FCA pointmaker Alfred Gerilla dahil sa isang flagrant foul na nagresulta ng kanyang isang larong suspensyon.

Samantala, sisikapin ng Pharex na malagot ang tatlong game na pagkatalo sa pagharap nila sa Freego Jeans sa Group A sa simula ng dalawang pangkat na engkuwentro, alas-dos ng hapon.

Tanging dalawang nangungunang team sa bawat grupo ang makakakuha ng awtomatikong quarterfinal berth habang ang ibang team ay maghaharap sa first round ng playoff.

Ang nakapahingang NLEX Road Warriors at PC Gilmore ay nasungkit na ang insentibo sa Group A, habang may dalawang linggo pa bago matapos ang classification phase.

Ayon kay PBA Commissioner Chito Salud, sinuspinde si Gerilla dahil sa kaniyang flagrant foul 2 noong laro noong Huwebes na pinagwagian ng Cultivators laban sa Cafe France sa score na 89-90.

Si Gerilla ay nagaaverage ng 11.3 points ay pinatalsik sa second quarter kasunod ng pagkakasiko sa mukha kay Leymund Babad sa second quarter. Sina Mark Canlas at si Sean Co ay nagtuwang sa 30 puntos sa panalo ng Culivators.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply