Gabi-gabing gang war sa Caloocan hindi matigil

MAY riot gabi-gabi at ‘gang war’ sa pagitan ng dalawang grupo na matagal nang may alitan sa Salay-salay St., Brgy.12, Dagat-Dagatan, Caloocan City. Natatakot ang mga magulang ng nasabing barangay na baka madamay pati ang mga bata at inosenteng sibilyan sa nasabing lugar.

Hindi raw kumikilos ang mga barangay sa kanilang lugar at mistulang mga bingi at bulag ang mga ito.  Maging ang kanilang Barangay Chairman na si Bebot  ‘I-pot’ Cruz ay mukhang may kabingihan kaya hindi nito naririnig ang karaingan ng kanyang mga kabarangay.

Basahin natin ang nilalaman ng text message sa atin.

Gud pm, sir Johnny. Gusto ko sanang humingi ng tulong tungkol sa riot na nagaganap dito sa aming lugar sa Caloocan City. Sa may Salay-Salay St., Brgy. 12, Dagat-dagatan, Caloocan City. Gang war sa pagitan ng mga grupo ni Sanday Domeng Abordo na Subo-subo Gang at mga batang bundok. Last  May 15, ala-1:00 ng madaling araw nang nagbarilan sila. Nakatatakot na madamay ang mga bata at sibilyan na nakatira sa aming lugar. Mistulang bingi si Chairman Bebot ‘Ipot’ Cruz. Mayor Recom Echiveri at mga kapulisan, pakitulungan ninyo kami.

PULIS NA TULISAN DI MASIBAK NG PNP

Muli natin silipin itong pulis na operator ng napakaraming videokarera sa Pasig City ngunit nagsisilbi ring tong-collector sa vices gaya ng mga iligal na pasugalan, club, casa, vendor at iba pa. Ang tinutukoy nating pulis na spoiled na spoiled sa Philippine National Police (PNP) ay itong si SPO1 Jigs Servillon.

Ibang klase sa lahat ng mga pulis ng PNP itong si SPO1 Servillon. Kahit puno ng iligal ang ginagawa nito ay hindi siya sinisibak.

Anomang reklamo o puna ay itext lamang sa 0918927-4764,09266719269 o e-mail sa juandesabog @yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply