Gabica bigong makapasok sa round-of-32 ng WTBC

NABIGONG makapasok ngayong Biyernes, Mayo 13, si Antonio “Gaga” Gabica sa round-of-32 ng World Ten Ball Championships sa World Trade Center sa Pasay City.

Si Gabica, ang 2006 Asian Games 9-ball gold medallist at 8-ball silver medallist ay kinapos kontra kay Manuel Pereira ng Portugal, 9-8, sa round-of-64, knock-out stage ng nasabing torneo.

“Grabe hanggang huli dikdikan ang labanan at minalas tayo,” ani Gabica na dumaan din sa butas ng karayom para talunin si Li-Hewen ng China, 9-7, sa kanilang do-or-die match sa loser’s brackets nitong Huwebes para makaabot sa knock-out stage.

Ang mga makakasama ni Pereira sa round-of-32 ay sina 2008 WTBC inaugural champion Darren Appleton ng Great Britain, Johny Archer ng USA, Yukio Akakariyama ng Japan, Chris Melling ng Great Britain, Sascha Andrej Tege ng Germany at Chang Yu-lun ng Chinese-Taipei.

Kinaldag ni Appleton si Ko Ping-chun ng Chinese-Taipei, 9-7; tinalo ni Archer si Liu Haitao ng China, 9-6; giniba ni Akakariyama si Ibrahim Bin Amir ng Malaysia, 9-2; umibabaw naman si Melling kay Marcus Chamat ng Sweden, 9-6;  winasiwas naman ni Tege si Artem Koshovoj ng Ukraine, 9-5; at panalo si Yu kay Imram Ibrahim ng Indonesia, 9-1.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply