Gabica, Tapia pasok sa KO stage ng World Ten Ball Championships

DALAWANG taga-Cebu ang matagumpay na nakapasok sa knock-out stage para itaas ang bandila ng Pilipinas sa pagpapatuloy ng WPA World Ten Ball Championship sa ika-tatlong araw na tumbukan sa World Trade Center sa Roxas, Boulevard, Pasay City kanina.

Si Antonio Gabica, ang 2006 Asian Games 9-ball gold medallst at 8-ball silver medalist ay pinatalsik si Li-Hewen ng China, 9-7, sa kanilang do-or-die match sa loser’s brackets para samahan ang kapwa Cebuanong si Marvin Tapia sa Round-of-64 na magsisimula ngayong Biyernes.

“Buti na lamang pumabor yung bola sa bandang huli,” ani Gabica, coach/ trainer ng Qatar Billiards National Team.

Kung nahirapan si Gabica sa Intsik na katunggali, hindi naman pinagpawisan si Tapia ng kanyang talunin ang kababayang si Ruben Cuna, 9-1.

“Maganda ang tumbok ko at paglatag ng bola kaya talagang naiwan ko siya,” ani Tapia.

Makakasama nina Gabica at Tapia sa Last 64 ay sina Dennis Orcullo, Ronato Alcano, Roberto Gomez, Jeffrey de Luna, Vicinancio Tanio at Jericho Banares.

Nakasama naman nina Cuna- at Li-He-wen sa exit door ay sina Victor Arpilleda at Edgard Acaba na nakalasap ng makapag-pigil hiningang pagkatalo sa kamay ni Ko-Ping Chun ng Chinese-Taipei, 9-8.

May kabuuang $250,000 ang nakataya sa week-long Raya Sports event at sanctioned ng World Pool-Billiard Association (WPA) sa pakikipagtulungan ng Billiards and Snooker Congress of the Philippines at ni long-time billiards patron Sebastian “Baste” Chua ng Star Billiards Center kung saan dinaos ang qualifying event.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply