Gabica tutumbok na sa main draw ng WTBC

DESPERADONG makakuha ng spot si former Asian Games gold medalist Antonio Gabica sa gaganaping World Ten Ball Championship (WTBC) sa World Trade Center sa Pasay City, sa Mayo 10-15, kaya naman siniguro nitong hindi siya mabibigo matapos manalo sa qualifying stage ng nasabing torneo.

Natalo si Gabica sa unang qualifying subalit hindi ito sumuko at muling nakipagsapalaran – resulta, tinalo nito ang batang si Hushley Jusayan, 9-4, sa qualifying no. 5 na ginanap sa Star Billiards Center ngayong Mayo 6.

Nakipagsabayan si Jusayan, 17, high school student sa Meycauyan sa first six racks subalit ginamit ni Gabica ang kanyang pagiging beterano upang makaabante sa main draw.

Nagulat ang Qatar-based cue artist sa kanyang katunggali dahil gumamit lamang ito ng mumurahing cue stick.

“He used a cheap cue stick that is only worth P350, yet he made it all the way to the finals,” pahayag ni Gabica.
“I was really having a hard time competing against him because he has more stamina,”dagdag pa niya.

Isa si Gabica sa mga seeded players sa huling staging ng World Ten Ball dalawang taon na ang nakalilipas at dahil hindi siya nakakalaro sa mga ranking tournaments ng World Pool-Billiard Association ay nawala siya sa listahan.

“I’ve worked in Qatar and I’m currently based there now,” wika ni Gabica. “That’s the reason why I wasn;t able to join some of the ranking events last year. Now, there’s a lot of time for me to catch up.”

Si Gabica ang pangalawang Filipino cue artist na nakapasok para tumubok sa main draw. Una nang nakapasok si Allan Cuartero.

Tinalo ni Cuartero si Gabica sa qualifying no. 1 kaya naman nagawa ng huli na itama ang mga pagkakamali nito sa una.

“I was more careless in my game against Cuartero. I’m more careful against Jusayan and I was more patient. I’m really desperate to get a seat in the main draw. It’s still a long way to go,” dagdag ni Gabica.

Ang ibang nakapasok sa stage 2 ay sina Chang Yu Lung ng Chinese Taipei, Tamoo Takano ng Japan at Yang Ching Shun ng Chinese Taipei.

Ang huling apat na slots sa main draw ng World Ten Ball Championship ay isasargo sa Star Billiards Center kung saan ang nasabing qualifying event ng WPA ay sinuportahan ng Billiards and Snooker Congress of the Philippines (BSCP).

Aabot sa 128 players galing sa 44 na bansa ang tutumbok sa Mayo 10-15 para sa main draw.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply