Gadhafi naghiganti

DAHIL sa pagkakapatay sa bunsong anak ni Moammar Gadhafi nang magsagawa ng airstrike ang NATO sa Bab Aziziyah compound sa Tripoli, naghiganti ang Libyan leader kung saan binomba ng mga sundalo nito ang lungsod ng Misrata.

Dahil dito, dalawa ang patay kung saan sinunog ng mga supporters ni Gadhafi ang embahada ng Amerika, Gran Britanya at Italy sa Tripoli.

Kaugnay nito, naniniwala ang mga rebelde na hindi naman nasawi ang anak ng lider.

Inihayag ng isang rebelde sa Benghazi na sinungaling si Gadhafi at propaganda lang nito na namatay anak para makakuha ng simpatya sa publiko.

Nakatakda nang ilibing ngayong araw ang anak at apo ni Moammar Gadhafi.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply