Game 1 ng Best-of-3 finals, Lady Falcons dinagit ng Lady Eagles

DINAGIT sa unang paluan sa best-of-three finals ng Shakey’s V-League First Conference ng Ateneo Lady Eagles ang 2008 defending champion Adamson University Lady Falcons sa loob ng apat na sets, 23-25, 25-18, 25-20, 25-20, sa gitna ng napakaraming volleyball fans sa The Arena,San Juan CIty.

Nagparamdam ng muling pagsungkit ng kampyunato ang Lady Falcons ni Coach Dulce Pante ng umarangkada sa unang set tungo sa 25-23 panalo.

Nagsimula ang tropa ni Coach Charo Soriano na bumuwelta nang tatagan ang depensa sa net at sa pamamagitan ni Thai import Kesinee Lithawat, na nahirang na 2011 Most Valuable Player, ay nagsimulang bumanat si Fille Cainglet ng 20 kills sa kanyang 22 points, habang si Kesinee ay nagtala ng kanyang conference-high 13 blocks sa kanyang kabuuang 24 points.

Katulad ni Lithawat, magandang depensa rin ang inilatag ng liberong si Denden Lazaro.

Susubukan angkinin ng Lady Eagles ang korona sa muling paghaharap nila ng Lady Falcons, alas-kuwatro ng hapon, kasunod ng katulad na banggaan ng University of Saint La Salle-Bacolod Lady Stingers at National University Lady Bulldogs.

Nakauna ang Lady Stingers sa Lady Bulldogs sa apat na sets, 16-25, 25-15, 25-23, 25-22 sa kanilang sariling best-of-three encounter para sa tersero puwesto.

Bukod kay Kesinee, si Cainglet ay nahirang na Most Improved Player at si Denden Lazaro ay ang Best Reciever, samantalang ang Adamson ay nasungkit ang Best Attacker para kay Nene Bautista at Best Setter si Mae Macalino.

Ang tinanghal na Best Scorer ay si Patty Orendain at Best Server si April Hinggit ng La Salle Lady Stingers, samantalang sina Best Blocker si Dindin Santiago at Best Digger si Jen Reyes ng NU Lady Bulldogs. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply