Game 6 ng PBA finals balikatan

NANATILI sa bubong ng Game 5 venue ang victory balloons kasabay ng pagdapa ng Tropang Texters laban sa never-say-die Ginebra Gin Kings sa iskor na 100-93.

Ipinakita ni Ginebra import Nate Brumfield na tama ang pagkakahirang sa kanya bilang Best Import of the Conference nang giyahan niya ang tropa ni Coach Jong Uichico sa pagpapahaba ng final series sa pagtatala niya ng 26 puntos, 14 boards at 16 assists kumpara sa malamyang 15 puntos ni Texter import Paul Harris.

Muling ipinamalas ni Mark Caguioa ang dating husay na porma sa kanyang 20 points na sinusugan ng first team ng double figures na sina Rudy Hathfield (12), Mike Cortez (10) at J.C. Intal (10) sa pagpapanatili ng kaungusan ng Barangay Ginebra sa first half, 39-38.

Kapansin-pansin na wala ang dating sigla nina Ryan Reyes, Ali Peek at Kelly Williams na hindi naka-double digit sa kanilang output.

Muling ginugunita ang nangyari sa never-say-die na Ginebra San Miguel na nakabalik sa 1-3 na pagkakalubog noong laro nila laban sa Talk N Text na kanilang inahunan at nakamit ang titulo.

Balik-laro sa Big Dome, Linggo ng gabi, ang sagupaan sa pang-anim na pagkakataon sa Best-of-7 finals na kung saan tiniyak na magbabago ng team play si Coach Chot Reyes na inaasahan din ng katapat na sariling set plays ang Barangay Ginebra para muling maibalik sa “winner-take-all” ang seventh game. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply