Gamit ni bagets tiyaking OK

TIYAKING ligtas ang mga laruan, educational toys at materials na ipagagamit sa mga bata , lalo na sa nursery, kindergarten at elementary.

Nitong nakaraang araw ayinilunsad ng Department of Education ang isang programa hinggil sa pagdo-donate ng laruan para sa mga kindergarten na unang beses pa lamang na tatapak sa eskwelahan.

Hinikayat ni Education Secretary Armin Luistro ang mga bata na magpakita ng malasakit at pagmamahal sa ibang mga bata sa pamamagitan ng pagbabahagi at pagdo-donate ng laruan at educational materials sa mga pampublikong paaralan.

Gagamtin ang mga gamit na ido- donate ng mga bata sa kindergarten.

Ang kindergarten ay kabilang na sa mga pampublikong paaralan. Ito ang unang phase ng education reform agenda ng ahensya na K to 12 na sisimulan ngayong taon.

Sa programang K to 12, hinihikayat at nire-require ang lahat ng limang-taong- gulang na mag-enroll o pumasok sa kindergarten sa pampublikong paaralan na ayon sa ahensya ay preparasyon ng mga bata sa pagpasok sa Grade 1.

Sa programang ito rin maipapakita ng gobyerno ang suporta sa mga magulang na hindi kayang pag- aralin ang mga anak sa pre-school nakaramihan ay pribado at mahal ang bayad. Hindi naman lahat ng magulang ay may sapat na pera para ipasok ang kanilang mga anak sa mga private pre-schools.

Ang mga makakalap na donasyon gaya ng libro, educational toys at materials ay gagamitin ng 1.9 milyong kindergarten students na inaasahang mage-enroll sa 38,000 public schools at day care centers nationwide.

Ayon pa kay Secretary Luistro, ang proyektong ito ay magiging daan upang ang lahat ng Filipino ay sumuporta sa edukasyon. Aniya, kahit sa maliliit na bagay gaya ng pagdo-donate ng lumang laruan na mapakikinabangan pa ay isa ng magandang mensaheng dapat ipakalat at palaganapin sa buong bansa.

Sinabi rin ng kalihim na ang mga gamit na makakalap sa donasyon ay malaking tulong sa mga classroom ng kindergarten. Ang mga ito ay ipagagamit sa klase sa mga bata. Aniya pa, maaaring ito pa ang magpaganda sa mga silid-aralan ng mga kinder.

Maganda ang proyektong ito ng DepEd dahil nagtuturo ito ng magandang pag-uugali gaya ng pamamahagi at pagbibigay.

Maituturo rin ang magandang ugali na pag-value at paggamit sa mga lumang bagay na maaaring may silbi pa.

Pwede rin kasing i-recycle ang mga ito upang magamit muli.

Dahil ang makikinabang sa programa ng ito ay mga batang nasa limang-taong-gulang, ang grupo ng EcoWaste Coalition ay nanawagan sa DepEd natiyaking ang mga laruang ilalagay at ipamamahagi sa mga classroom ng kindergarten ay ligtas at walang sangkap na nakalalasong kemikal.

Noong nakaraang taon ay nagsagawa ang nasabing grupo ng pagsusuri sa ilang laruan ng mga bata, at may mga laruan na natagpuang positibong may nakalalasong kemikal tulad ng “phthalates.”

Ano nga ba ang phthalates?

Ang phthalate, o phthalate esters ay ginagamit bilang plasticizers. Ibig sabihin, ito ay inihahalo sa mga plastic para mapataas ang flexibility, transparency, durability at longevity ng plastic.

Ito ay tinatawag ding “endocrine-disruptor plasticizer”. Ginagamititoupangmapalambotang polyvinyl chloride.

Hindi lamang sa mga laruan ito inihahalo. Ginagamit rin ito sa enteric coatings ng pharmaceutical pills at nutritional supplements, gelling agents, film formers, stabilizers, dispersants, lubricants, binders, emulsifying agents, at suspending agents.

Inihahalo rin ito sa pintura, sabon at iba pang produkto ng ginagamit ng tao.

Pero ang kemikal na ito ay phased out na sa mga produkto sa Estados Unidos, Eurupean Union at Canada dahil sa usaping pangkalusugan.

Ayon sa mga pag-aaral, may masamang epekto daw ang kemikal na ito sa liver, reproductive organs (especially in boys) at dahilan ng abnormalidad sa growth ng fetus kapag na-expose sa mataas na level ng kemikal na ito ang mga buntis.

Napag-alaman ng EcoWaste noong 2010 na anim sa pitong uri ng laruang plastic na nabili nila sa Divisoria ay may phthalates nang ipasuri sa Thailand.

Sa kanilang pananaliksik, ang “phthalates” ay mapanganib sa kalusugan ng tao lalo na sa mga bata.

Ayon sa grupo, maganda ang intensyon ng DepEd at ni Secretary Luistro subalit dapat tiyakin ng kalihim at ng ahensya na ang mga laruan at educational materials ay ligtas mula sa mga nakalalasong kemikal.

“DepEd should see to it that toys loaded with injurious substances are kept out of the gift-giving to welcome our pre-school learners,” sabi ng grupo.

Idinadag nitong dapat maglabas ng mga health-based criteria ang DepEd para malaman ng mga taong nais mag-donate kung anong mga uri ng laruan ang papasa at ligtas na gamitin ng mga kindergarten.

Sinabi rin ng grupo na ang mga bataay mahina pa ang immune system kaya mas mapanganib sa kanila ang nakalalasong kemikal kaysa sa matanda. Madalas din umanong nagsusubo ng kamay ang mga bata na tiyak na magdudulot ng kapahamakan lalo na kung ang mga kamay ay humawak ng mga gamit na may masamang kemikal tulad ng phthalates.

Sa ilang pag-aaral, na-trace ang phthalates sa ihi ng tao. At ang epekto nito sakalusugan ay kasalukuyan pang mas pinag-aaralan para mabatid kung gaano talaga ito kasama sa kalusugan partikular na sa mga organ.

Wala pang muwang ang mga bata; talagang ginagawa nila ang kanilang naiisip. Mahilig silang magsubo ng kamay at mga bagay na nahahawakan dahil natural ito sa kanila. Mabuting ingatan at i-welcome natin sila sa kanilang unang pag-apak sa eskwelahan sa pamamgitan ng pagbibigay o pagpapagamit ng mga laruan at educational materials na walang masamang epekto sa kanilang kalusugan.

Pinapayuhan din ang mga magulang na suriin at piliing mabuti ang mga laruang binibili at ipagagamit sa mga paslit.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply