Garcia ipinababasura ang P235M tax case

HINILING ngayon ng AFP comptroller Maj. Gen. Carlos F. Garcia (ret.) sa Department of Justice (DOJ) na ibasura na ang kasong P235-million tax evasion case na isinamapa laban sa kanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong nakaraang Marso.

Sa 46-pahinang counter-affidavit ni Garcia, pinabulaanan nito na wala siyang intensiyon na balewalain ang kanyang obligasyon para ideklara ang kanyang kinita noong nakaraang 2004 na umaabot sa halagang P273 milyon.

“It is therefore respectfully submitted that… no probable cause exists for the charges of tax evasion pertaining to the willful attempt to evade or defeat tax and willful failure to file 2004 income tax return. The complaint shall be dismissed for lack of merit,” nakasaad sa counter-affidavit ni Garcia.

Hindi naman nagbigay ng anumang komento si Garcia at ang abogado nito patungkol sa kinakaharap na kasong tax evasion makaraang ihain ang kanyang dokumento sa DOJ.

Si Garcia at ang asawa nitong si Clarita ay sinampahan ng kasong tax evasion ng BIR dahil sa umanong hindi pagdedeklara ng kanilang buwis noong taong 2004 at natuklasang nakabili pa ang mga ito mga ari-arian, nakapag-deposito ng pera sa iba’t-ibang bangko at financial instruments.

Sa imbestigasyon ng kagawaran lumalabas na noong 2004, ang anak na lalaki ng mag-asawa na si Ian Carl ay nakabili ng kuwestiyunableng ari-arian sa lalawigan ng Iloilo sa halagang P459 milyon sa kabila ng walang kakayahan o sapat na income ang mga ito.

Si Garcia ay nahaharap pa sa reklamong P303-milyon plunder case sa anti-graft court Sandiganbayan, pero nagdeklara itong guilty para sa mababang parusa at makapaghain ng piyansang P60,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya makaraan ang pagpasok sa plea bargain deal sa tanggapan ng dating Ombudsman.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply