General George Regis bagong QCPD director

MAKALIPAS ang ilang buwang paghihintay ay umupo na rin kanina bilang bagong director ng Quezon City Police District (QCPD) si Chief Supt. George Regis.

Sa simpleng turn-over ceremony sa Camp Karingal, itinalaga si Regis bilang director ng QCPD.

Natagalan ang pag-upo ng heneral bilang director bunga ng mga apela umano ng limang heneral na naghahangad sa naturang puwesto.

Samantala, si dating district director Chief Superintendent Benjardi Mantele ay itinalaga naman sa ibang posisyon sa Mindanao bilang deputy director for administration habang naging officer in-charge naman ng QCPD si Senior Superintendent Arrazad Subong nitong nakalipas na Abril 8.

Si Regis ay dating station commander ng QCPD, kung saan itinalaga siya sa ilang posisyon mula 1990 hanggang 2000.

Siya ay miyembro ng Philippine Military Academy Class 1980.

Si Regis ay naging hepe ng iba’t-ibang tanggapan sa QCPD, kabilang ang hepe ng police stations. Tulad ng police stations sa Fairview, Batasan Hills at Novaliches.

Matapos ang turnover ceremonies, agad ipinatawag ni Regis ang lahat ng station commanders ng QCPD para sa command conference.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply