GenSan, Catarman nilindol

NIYANIG ng lindol na may magnitude-5.5 ang General Santos City area sa Mindanao madaling-araw ng Martes, Mayo 10.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig bandang 3:13 a.m. na tectonic ang pinagmulan.

Batay pa sa bulletin ng Phivolcs, naitala ang epicenter nito sa 222 kilometers (km) southeast ng General Santos City.

Hindi pa batid ng Phivolcs kung saang lugar naramdaman ang pagyanig.

Saman tala, nasukat naman ng United States Geological Survey (USGS) ang pagyanig sa magnitude 5.8, at natagpuan ang epicenter nito sa 164 km east-southeast ng General Santos; o 210 km south-southeast ng Davao; 320 km southeast ng Cotabato.

Kaugnay nito, niyanig din ng lindol na may magnitude-4 ang Catarman sa Northern Samar bandang 2:32 a.m., kung saan ang epicenter nito ay sa 59km northeast of Catarman.

Wala namang napaulat na nasugatan at aftershocks.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply