Gibo ikinokonsidera bilang Ombudsman

UMAPELA si House Assistant Minority Leader Mitos Magsaysay kay dating Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. na ikonsidera ang mungkahi na tanggapin niya ang pagiging Ombudsman.

Si Teodoro na iminungkahi ni Senador Miriam Defensor-Santiago na kuwalipikado upang maging kapalit ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez ay tumanggi na sa naturang posisyon.

Si Magsaysay ay naging tagapagsalita ni Teodoro nang tumakbo sa pampanguluhang halalan nitong nagdaang eleksyon bilang isa sa katunggali ni Pangulong Aquino.

Si Teodoro na pinsan ni Pangulong Aquino ay nagsabing  “I am humbled by and am most grateful for the kind words Sen. Miriam Defensor Santiago said about me. (But) my present endeavors do not allow me to consider returning to government service at this time.”

Subalit agad namang tinutulan ni Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares, sa pagsasabing “he’s (Teodoro) not a serious contender.”

Binigyang diin ni Colmenares na dahil sa magpinsan sina Teodoro at Pangulong Aquino ay hindi na ito dapat pang mailuklok sa Ombudsman

“I don’t think he’ll make a good Ombudsman. The next ombudsman should first be credible, independent and has a known track record of anti-corruption advocacy. He should not be a relative, classmate and even a shooting buddy of PNoy. Teodoro obviously does not fit on many of these criteria. I don’t think that the people will accept the official candidate of Arroyo as Ombudsman.”

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply