Gibo nagpasalamat kay Miriam

NAGPASALAMAT si dating presidential candidate Gilberto “Gibo” Teorodo, Jr. kay Sen. Miriam Defensor Santiago sa pagrerekomenda nito bilang kapalit sa nagbitiw na si Merceditas Gutierrez sa tanggapan ng Ombudsman.

Ani teodoro, nagpapasalamat siya sa paniniwala ni Santiago sa kanyang kakayahan at pagiging karapat-dapat sa posisyon bilang Ombudsman.

Gayunpaman, iginiit ni teodoro na sa kasalukuyang trabaho niya ay hindi siya pinapayagan na bumalik sa government service subali’t tuluy-tuloy ang kanyang pagganap sa tungkulin para sa bayan bilang pribadong mamamayan.

“Once again, to Senator Santiago, maraming salamat po,” diin ni Teodoro.

Ayon kay Santiago, si Teodoro ang may kakayahan para hawakan ang nasabing posisyon dahil maganda ang integridad nito at sumusunod sa ipinag-uutos ng batas na napatunayan na niya ng maraming beses sa pamamagitan ng mga komento nito sa iba’t-ibang legal issues.

“He (teodoro) would make the best candidate,” giit ni Santiago. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply