Gilas masusukat sa Champions Cup

MAGIGING sukatan ang 22nd FIBA-Asia Champions Cup sa pagnanais ng Smart Gilas-Pilipinas na makalusot sa qualifier ng 2012 London Olympics.

Ang presensiya ng mga champion club teams mula sa buong Asia, partikular ang mga taga-Middle East, ay magbibigay sa national quintet ni coach Rajko Toroman ng magandang hamon upang malaman kung makakasabay ba tayo sa Asian basketball, ayon kay former national coach Joe Lipa.

Kahit pa hindi isasabak ng mga Asian powerhouse teams Iran, Lebanon, Jordan at Qatar ang kani-kanilang national squads, naniniwala pa rin si Lipa na malakas na torneo ito na dapat seryosohin ng Smart Gilas-Pilipinas bilang paghahanda sa mas matinding kumpetisyon sa Setyembre sa Wuhan, China.

“They say these Middle East countries are now the dominant teams in Asia, so I think the Champions Cup will show us how our national team will be doing against them,” pahayag ni Lipa.

“The tournament will definitely show their (Middle East) level of play and how far had they adjusted to the level of Asian basketball.”

Paglilinaw pa ni Lipa, ang huling Filipino coach na gumiya sa all-amateur basketball team sa medal finish (bronze) sa Asian Games 25 taon na ang nakalilipas, ang paglahok ng Iran, Lebanon, Qatar at mga Middle East countries ay indikasyon ng dominasyon nila sa basketball sa rehiyon.

“It’s a special tournament, because we Filipinos are used to seeing the Chinese, Koreans, Japanese and the others from the Southeast Asian regions play, but seldom do we see Middle East countries in action,” dagdag ng kasalukuyang commissioner ng matagumpay na Coca-Cola Hoopla.

Nagulat din ang veteran coach partikular sa improvement ng laro ng Arab countries sa kasalukuyan dahil dati ay inilalampaso lamang ng Pilipinas ang mga ito.

“They just used to shoot, run and play the game like football,” patuloy ni Lipa.

“But I think when they finally began to adapt to the system taught by American coaches, that’s when things started to turn around.”

Dinodomina ng Middle East nations ang Champions Cup sa nakalipas na 12 edisyon ng torneo mula 1999.

Ang huling apat na korona ay kinuha ng Iran squads Sabah Battery  at Mahram.

Ang Beijing Hanwei ang huling non-Arab country na nagkampeon sa event mula ng pasimulan ito taong 1981, nang mapanalunan ito sa Kuala Lumpur, Malaysia taong 1998.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply