Ginahasa ng ama, tinikman din ng kapitbahay

GINAHASA rin ng kaptibahay ang 16-anyos na dalagita na unang ginahasa ng kanyang sariling ama noong ito ay 11-anyos pa lamang sa Villa Concepcion, Cauayan City.

Ang biktima na itinago sa pangalang Emily ay nabatid na ginahasa ng 29-anyos na magsasaka na si Bong-Bong Dalog, dumalaw lamang sa bahay ng kanyang kapatid na kapitbahay ng pamilya ng biktima.

Sa imbestigasyon ng PNP Cauayan City, ang biktima  kasama ang iba pang kakilalang lalaki ay nakinood ng DVD sa kanilang kapitbahay.

Nang umuwi na ang dalagita ay  sinundan siya ng suspek na si Bong-Bong Dalog at hinalay nang malamang wala siyang kasama sa bahay.

Ang aktong panggagahasa ng suspek kay Emily ay nakita ng 12-anyos na batang pumasok sa bahay na nagkataong magtatanong lang sana hinggil sa nawawalang alagang hayop nito.

Sa nakita ay agad na nagsumbong sa mga kapitbahay ang bata kaya nasaklolohan ang dalagita.

Nabatid na nakakulong pa rin ang ama ng biktima nang unang gahasain ang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply