Ginang aksidenteng nabaril ng pulis, patay

AKSIDENTENG napatay ang isang 27-anyos na ginang nang magpaputok ng baril ang isang pulis sa Caloocan City, Martes ng gabi sa Tondo, Maynila.

Kinilala ni Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, ang biktima na si Lilibeth dela Cruz  ng 300 Herbosa St.,Tondo.

Tinutugis naman ang suspek na si Allan Tolentino, isang umano’y pulis na nakatalaga sa Caloocan City Police.

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente bandang alas-nuwebe ng gabi.

Nauna rito, nabatid na nabigo umano si Tolentino na makita ang taong humiram sa kanya ng pera kaya’t nagalit ito at nagpaputok ng kanyang baril.

Aksidenteng natamaan ang biktima sa ibabang bahagi ng kanyang tiyan, na nagresulta ng kanyang pagkamatay.

Tumakas naman ang suspek matapos ang insidente.

Ibineberipika pa rin ngayon ng pulisya kung ano ang ranggo at kung saan nakatalaga si Tolentino.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply