Ginang arestado sa pagbebenta ng pampalaglag

ARESTADO ang isang 41-anyos na ginang mahuling nagbebenta at nasa kanyang pag-iingat ang ilang pakete ng ipinagbabawal na cytotec drugs sa Quiapo Maynila Huwebes ng hapon, Mayo 26.

Hawak na ngayon ng Manila Police District-Police Station 3 ang  ang suspek na si Erlinda Nicdao.

Base sa report ng PS 3 dakong alas-5:00 ng hapon ng maaresto si Nicdao matapos itong mahulihan ng dalawang pakete ng cytotec drugs na naglalaman ng dalawa hanggang tatlong tableta bawat pakete.

Dahil sa mahigpit na pagbabawal sa pagbebenta ng mga cytotec drug o pampalaglag ng bata ay inaresto ang suspek.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa R.A 5921 (Selling of Unregistered medicine Cytotec Drugs) ang suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply