Ginang dakip sa pambubugaw

KULONG ang isang ginang matapos ireklamo ng pambubugaw ng isang dalagita sa Caloocan City Linggo ng madaling araw, Mayo 22.

Nakilala ang suspek na si Lolet Rivera, 35 ng Acab st., ng nasabing lungsod.

Sa pahayag ng biktimang edad 15 ng 11th avenue, dakong alas-4:00 ng madaling araw, naglalakad siya sa kanilang lugar nang masalubong ang suspek at sinabihan na ihahatid ang dalagita.

Sa halip sa bahay ay dinala ang dalagita sa 10th avenue upang ibugaw sa lalaki subalit may nakakita sa mga ito na nagsumbong sa mga barangay tanod.

Hindi na nakatakbo ang suspek nang harangin ng mga barangay tanod at mailigtas ang biktima sa kapahamakan. Rene Manahan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply