Ginang na binaril sa Muntinlupa nakilala na

KILALA na ang ginang na walang awang binaril ng hindi pa nakikilalang salarin habang nag-aabang ng sasakyan Huwebes ng gabi, Mayo 12, sa Muntinlupa City.

Sa punerarya na natunton  ni Lauren Pineda, 19, ng 7360 Adulla Place, Guadalupe, Makati city  ang kanyang inang si Leonela Pineda, 48, matapos barilin sa sentido dakong alas-7:30 ng gabi sa National Road, malapit sa Susana Heights, Barangay Tunasan, Muntinlupa.

Sa pahayag ni Lauren kay PO3 Rudolph Delmendo ng Criminal Investigation Unit ng Muntinlupa Police, maaga pa’y umalis na ng kanilang bahay ang ina para magbayad sa buwanang hulog sa tinitirhan nilang bahay.

Hindi naman mabatid ng anak ng biktima kung magkano ang salaping bitbit ng ginang nang umalis sa kanilang bahay bagama’t nabawi naman ng pulisya sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang ilang personal na gamit ng nasawi, pati na ang isang basyo ng kalibre .45 baril na posibleng ginamit ng suspect.

Napagalaman na nagtatrabaho bilang seaman ang asawa ng nasawi kaya’t malaki ang hinala ng pulisya na biktima ng panghoholdap ang ginang. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply