Ginawang human shield: misis ni Bin Laden patay din

PATAY din ang isa sa mga misis ni Al Qaeda leader Osama bin Laden makaraang gamitin niya umano na human shield nang lusubin ng Navy SEALS Six elite team ang compound ng most wanted terrorists, sa Abbottabad, Pakistan.

Nabatid kay US counter-terrorism chief John Brennan, nasawi sa naganap na barilan ang isa sa mga misis ni Bin Laden na ginawang pananggalang sa putukan.

Bago rito, kinumpirma ng Amerika na bukod kay Bin Laden, napatay din sa raid ng US forces ang anak niyang si Khalid.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply