Ginto kinubra ni Barriga!

GINULAT ni light flyweight campaigner Mark Anthony Barriga ang lahat ng manonood sa Sydney Jackson Memorial Tournament nang talunin ang hometown bet na si Shahobiddin Zoirov, 4-1, tungo sa gold medal sa Tashkent, Uzbekistan.

Una nang nagyabang ang kampo ng Uzbekistan fighter na ‘kakatayin’ ng kanilang bata ang dumayong Davao del Norte bet na si Barriga pero nagkabaligtad ng sitwasyon dahil si Zoirov, lumaban sa Russia sa isang world class tournament, ang pinakain ng alikabok ng Filipino warrior.

Ginamit ng 17-year-old fighter na si Barriga ang bilis ng footwork at lakas ng kamao para kumbinsihin ang mga hurado na mas dominante siya kay Zoirov.

“Mark utterly frustrated him and forced him to commit mistakes,” kwento ni Ed Picson, Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) Executive Director.

Hindi naman pinalad si former Asian Games gold medalist Joan Tipon, galing sa shoulder injury, nang magkasya lang sa silver medal makaraang yumuko kay Shohruh Hujabekov ng Uzbekistan, 2-3.

Lamang pa sana ang 29-anyos na Bacolod City bet na si Tipon, 2-0, sa kaagahan ng suntukan pero tila kinapos sa hangin sa second at third rounds na sinamantala naman ng Uzbek slugger.

“We’re happy with their performance,” patuloy ni Picson.
“We know now where we need  to step up and make adjustments. That’s the important thing. The medals are bonuses.”

Sinuportahan ng PLDT, Accel at Clusivol ang biyahe ng mga naturang boksingero sa torneong ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply