Ginto sa billiards iniuwi ni De Luna

NAKA-GOLD na ang dating 2010 World 9-ball runner-up na si Jeffrey De Luna sa 9-ball billiards game sa Philippine Olympic Committee-Philippine Sports Commission (POC-PSC) National Games sa Bacolod City.

Pinataob ni De luna ang Negrense na si Delfin Tugado, na nagpatupi naman kay Ramil Gallego sa semi-finals.

Si Gallego naman ang humarang sa mahika ni Efren “The Magician” Reyes sa quarterfinals sa iskor na 7-9.

Nakuha ni Tugado ang silver habang sina Gallego at John Paul Ortega ng Molo, Iloilo City ang kapwa nag-uwi ng bronze.

Tinalo naman ni Ortega ang isa pang Negrense na si Sid Tingson na unang nagpatumba sa mahusay na si Dennis Orcullo para makapasok sa Round of 8.
Sumali rin palaro ang dalawa pang mau=huhusay na bilyarista na sina Warren Kiamco at Carlo Biado ngunit parehong natalo agad sa elimination rounds pa lang.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply