Giriang Yahoo!, Alibaba tumitindi

TUMITINDI ang girian ng dalawang internet giant companies nitong mga nakaraang araw.

Nagpahayag ng magkasalungat ng pahayag ang dalawang kampo hinggil sa pag-transfer ng pag-aari ng isang sangay ng Alibaba.

Ibinigay umano ang pag-aari ng “Alipay” sangay ng Alibaba kay Jack Ma, ang Chief Executive ang Alibaba. Dahil dito ay bumaba ng bahagya ang halaga ng pag-aari ng Yahoo sa Alibaba. Pag-aari ng Yahoo ang 43% ng Alibaba. Ang “Alipay” ay katumbas ng “Paypal” ng eBay.

Hindi umano inabisuhan ang Yahoo hinggil sa transfer of asset ng Alipay kay Ma subalit kinontra ito kaagad ng kampo ni Ma at sinabing alam ito ng Yahoo dahil sa may director itong nakaupo sa board ng Alibaba sa katauhan ni Jerry Yang, ang dating Chief Executive at ngayon isang Director ng Yahoo.

Dahil sa pangyayari ay bahagyang bumaba ang bentahan ng shares ng Yahoo. Bumaba ito ng $0.61 cents kada share.

Taong 2005 ay nag-invest ang Yahoo ng tumatagingting na $1 billion ngunit matagal ng ipinahayag ng Alibaba ang kagustuhan nitong i-buy-out ang naturang investment ng una.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply