Giyera vs daga ikinasa sa Cotabato

BAGO magsimula ang planting season ngayong Mayo, nagdeklara si Cotabato town Mayor Joselito Piñol ng giyera laban sa mga dagang sumisira sa mga pananim.

Dahil dito, nilagdaan agad ni Piñol ang isang Executive Order (EO) No. 1 na nag-aatas sa mga ospisyales ng 37 barangay na magkasa ng programa para masawata o kundi man ay mabawasan ang mga dagang namemeste sa mga rice fields na sisimulan nang taniman sa ikatlong linggo ng Mayo.

“We are doing this to prevent severe damage brought by rats on crops in our town,” pahayag ni Mayor Piñol sa kanyang weekly radio program.

Sa ilalim ng programa, ang sinomang magsasaka o isang indibidwal na makapagdadala ng 20 pirasong buntot ng daga sa tanggapan ng lokal na tanggapan ng agrikultura ay makatatanggap ng isang kilo ng bigas bilang pabuya.

Naglaan ang local government units (LGUs) ng may P500,000 para bumili ng bigas para lamang sa naturang programa.

Sinabi pa ni Mayor Piñol na sa M’lang, ang laban sa rice field rodents ay dating ipinamamahala sa mga magsasaka pero sa programang ito, ang lahat ng barangay ay mahihikayat na sumali.

Iihayag din ni Piñol na sa susunod na Biyernes, ang lahat na nasa edad 18 at pataas ay mapipilitang sumali sa ‘town-wide rat campaign’ bilang paghahanda sa synchronized rice planting sa lahat ng barangay ng nasabing bayan.

Nakaranas ng pagkalugi ang M’lang sa huling pag-aani nito dahil rodent infestation na nakaapekto sa daan-daang ektarya ng pananim sa 37 villages ng nasabing bayan na umabot sa P5 milyon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply