GMA-7 wala nang bilib kay Marianita!!!

NATURINGANG si Marian Rivera ang lead star sa bagong fantaserye ng GMA 7 na “Amaya,” pero ang nakakaloka, mukhang hindi na siya ang ibinebenta sa promo nito kundi ang mga lalaking artista na kasama niya rito tulad nila Rocky Salumbides, AJ Dee at Gardo Versoza.

At say mo, ang slant ng publicity ng said fantaserye ay daring! Hindi raw nagsuot ng briefs ang tatlong actor dito kaya kahit may-suot na bahag ang mga ito ay masisilipan nyo pa rin sila.

Sabagay, pare-pareho na namang sana’y maghubad itong sina Rocky at Gardo dahil pareho silang sexy actors. Naku! Nagmumukhang gay fantaserye na tuloy ang Amaya ni Marian dahil sa exposed ang mga katawan rito ng mga male characters.

Tama nga ang aming informant sa chika nitong nawawala na ang bilib ng mga GMA executive dito kay Marian kasi nga nega na ang dating nito sa publiko.

Imagine, dahil sa alam niyang nega na siya, para makabawi ay pumayag raw mag-topless ang nasabing aktres sa ilang eksena niya sa pinagbibidahang serye.

Kawawa naman.

***

Bela Padilla, pinatunayang hindi lang mahusay na actress kundi isa rin sa sexiest stars

RECENTLY lang,  kinuhang endorser ng Belo Medical Clinic ang mahusay na actress na si Bela Padilla para maging endorser ng kanilang latest contouring procedure na “Sexy Solution.” Silang dalawa ni Aubrey Miles ang endorser nito at magkakaroon sila ng malalaking billboards sa Edsa at sa ibang lugar.

Anyway, kasama ni Bela ang mabait at very supportive na si Ms. Claire dela Fuente  sa contract signing sa bagong endorsement niyang ito sa Belo.

By the way, medyo gulat pa ng ibalita sa amin ni Bela na kasali pala siya sa mga nominated sa 100 Sexiest Women ng sikat na Men’s Magazine na FHM. And if you want to vote for her, para mapasama sa finalist just type iFHM Bela Padilla and send it to 2640.

Pwede kayong bumoto ng ilang beses. At kung gusto niyo ng bulky votes which is equivalent to 100 votes, type niyo lang ang iFHM Bela Padilla at padala nyo rin sa 2640.

Hanggang June 15 ang deadline ng pagboboto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply